Miyerkules, Marso 12, 2014

Konstitusyon ng Pilipinas



Konstitusyon ng Pilipinas

Ang Konstitusyon ng 1987 ay inaprubahan ng 1986 Constitutional Commission nuong Oktubre 12, 1986. Ito ay hinatid kay dating Pangulong Corazon Aquino nuong Oktubre 15, 1986 at niratipika nuong Pebrero 2, 1987. Ipinahayag at ipinatupad nuong Pebrero 11, 1987. Ito rin ang batas na kung saan pwedeng magkadyotan ang aso at tao.


Kahulugan ng bagong konstitusyon

Binubuo ng isang panimula (preamble) at 18 artikulo ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Kabilang sa mahahalagang probisyon nito ang muling pag-iral ng presidensyal na uri ng pamahalaan na nagtataglay ng tatlong sangay-tagapagpaganap, tagapagbatas, at panghukuman. Ang pangulo ang nagtataglay ng kapangyarihang tagapagpaganap at itinatakda na manunungkulan ng anim na taon na hindi na maaaring ihalal muli. Ginagampanan ng pangulo ang mga kapangyarihan nito bilang pinuno ng estado (head of state), pinunong tagapagpaganap (chief executive), at commander-in-chief ng sandatahang lakas. Binubuo naman ng dalawang kapulungan ang Kongreso-ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan-na nagtataglay ng kapangyarihang tagapagbatas. Kabilang sa mga kapangyarihan ng Kongreso ang gumawa ng batas, aprubahan ang laang-gugulin ng pamahalaan (appropriation), at pagpapanukala ng mga buwis. Kaugnay nito, maging ang mga mamamayan ay may kapangyarihan sa pagpanukala ng mga batas at pagbabago sa konstitusyon sa pamamagitan ng mga people's initiative at referendum. Taglay naman ng Kataas-taasang Hukuman-at ng mga nakabababang hukuman-ang kapangyarihang panghukuman. Ang mga mahistrado ng Kataas-taasang hukuman at mga hukom ay hinihirang ng pangulo mula sa talaang ihahanda ng Judicial and Bar Council (JBC), at hindi na kailangan pang pagtibayin ng Komisyon sa Paghirang (Commission on Appointments). Itinatakda rin ng 1987 Konstitusyon ang pagkakaroon ng mga komisyong konstitusyonal-Komisyon sa Halalan, Komisyon sa Serbisyo Sibil, Komisyon sa Audit, at Tanggapan ng Ombudsman. Ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) naman ang talaan ng mga karapatan ng mga mamamayan at mamamalaging igagalang at bibigyang-proteksyon ng pamahalaan. Kaugnay nito, itinatakda ng 1987 Konstitusyon ang pagtatatag sa Komisyon sa Karapatang Pantao upang magsiyasat sa mga kaso ng paglabag sa karapatan. Binibigyang-halaga rin sa mga probisyon ng konstitusyon ang iba't ibang larangan sa pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng lokal na pamamahala, wika, edukasyon, kalusugan, at repormang panlupain; gayundin ang mahahalagang tadhana ukol sa mga pagbabago sa konstitusyon at mga pansamantalang probisyon (transitory provision).
MGA TALA: Noong 23 Abril 1986, nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Bilang 9 na nagtatatag sa isang komisyong konstitusyonal (constitutional commission). Layunin ng komisyong ito ang pagsulat ng bagong konstitusyon na hahalili sa pansamantalang konstitusyon ng panahong iyon-ang Freedom Constitution. Hinirang ni Pangulong Aquino ang mga kasapi ng komisyon-sa pamumuno ni Mahistrado Cecilia Munoz-Palma-noong 26 Mayo 1986. Tumagal mula 2 Hunyo 1986 hanggang 12 Oktubre 1986 ang gawain ng komisyon, kabilang na ang paglilibot sa buong bansa upang sumangguni sa iba't ibang sektor ng lipunan. Isinumite ng komisyon kay Pangulong Aquino ang burador (draft) ng konstitusyon noong 15 Oktubre 1986 at sinundan ng malawakang pagbibigay ng impormasyon ukol dito. Ginanap ang isang plebisito upang ratipikahan ang Konstitusyon noong 2 Pebrero 1987 kung saan 17,059,495 ang sumang-ayon dito at 5,058,714 naman ang tumanggi. Opisyal na ipinahayag ang pagpapatibay ng bagong konstitusyon noong 11 Pebrero 1987 kung kailan nanumpa rin ng katapatan si Pangulong Aquino, mga opisyal ng pamahalaan at mga kasapi ng sandatahang-lakas.


Ito ay hango sa http://tl.answers.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento