Ito ay hango sa http://www.slideshare.net
Ikatlong Ripublika
Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan/gobyerno ng Pilipinas mula 4 Hulyo 1946 hanggang 21 Setyembre 1972 (Ang pinakamatagal na republika sa kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika—ang ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon) na nagsimula sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Martial Law. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Laurel (ang ikalawang republika) na binuo at kinilala lamang ng alyansang Axis (Hapon, Alemanya, Italia)habang hindi kinilalala ng mga ibang bansa.
- 1. Paglaya ng Pilipinas
- 2. Pagpanaw ni Pang. Quezon Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr .
- 3. Pagbabalik ng mga Amerikano Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944 . Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944 . Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.
- 4. Paglaya ng Maynila Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.
- 5. Paglaya ng Pilipinas Noong ika-4 ng Hulyo 1945 , ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.
- 6. Pagwawakas ng Digmaan Aug. 6, 1945 , pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima . Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945 . Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.
- 7. Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945 . Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- 8. Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan . Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945 . Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
- 9. Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt. Noong Abril 23, 1946 , naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas .
- 10. Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa
- 11. Paglaya ng Pilipinas Matapos ang mahigit 48 taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 . Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.
- 12. Talambuhay ni Manuel A. Roxas Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City) Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acuña Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Trinidad De Leon Anak: Ruby at Gerardo Jr. Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base, Pampangga dahil sa sakit sa puso
- 13. Panunungkulang Pampubliko Konsehal, Bayan ng Capiz Gobernador, Lalawigan ng Capiz Kinatawan at Ispiker ng Mababang Kapulungan Miyembro, OSROX Mission 1931-1933 Founding Chairman, Liberal Party Delegado ng 1935 Constitutional Convention
- 14. Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan. Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK. Paglutas sa isyu ng kolaborasyon .
- 15. Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights) Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.
- 16. Amnestiya sa mga Collaborators Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagbigay ng pagpapatawad sa mga political collaborators . Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.
- 17. Suliraning Pangkatahimikan Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay . Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista . Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan.
- 18. Pagkamatay ni Pang. Roxas Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino .
- 19. Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino
- 20. Talambuhay Pagsilang: Nob. 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur Magulang: Mariano at Gregoria Rivera Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Alicia Syquia Anak: Fe, Armando, Norma, Thomas at Victoria Kamatayan: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches, Quezon City
- 21. Panunungkulang Pampubliko Kinatawan ng Ilocos Sur Senador Gabinete ni Pang. Quezon (Finance at Interior) Pangalawang Pangulo Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Administrasyong Roxas Pamilya ni Pang. Quirino, (L-R) Victoria, Conchita at Thomas
- 22. Nanumpa bilang pangulo si Elpidio Quirino matapos mamatay si Pang. Roxas noong Abril 15, 1948 . Muli siyang nahalal na pangulo noong Nobyembre 1949 at nanungkulan hanggang Disyembre 1953.
- 23. Namatay ang asawa at tatlong anak ni Pang. Quirino noong panahon ng digmaan. Nang siya ay naging pangulo, tumayo bilang first lady ng bansa ang bunsong anak ni Pang. Quirino na si Victoria .
- 24. Mga Programa ng Administrasyong Quirino Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng mga Pilipino Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo Pagharap ng Suliranin sa mga Huk
- 25. Ama ng Industriyang Pilipino Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon .
- 26. Mga Programang Pangkaunlaran Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa Lumang gusali at logo ng Bangko Sentral.
- 27. Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo Sinikap ng Administrasyong Quirino ang makipag-ugnayan sa maraming bansa upang mabigyang-lunas ang banta ng komunismo . Nanatili bilang aktibong kasapi ng United Nations ang Pilipinas. Nahalal bilang pangulo ng UN General Assembly si Carlos P. Romulo.
- 28. Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK) Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo , nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953). Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos.
- 29. Pagharap ng Suliranin sa mga Huk Pinili ni Pang. Quirino si Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa . Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc .
- 30. Amnestiya para sa mga Huk Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR) . Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
- 31. Konklusyon: Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon Magsaysay .
Vintage Tiny Earrings | Titsanium Art
TumugonBurahinRating: 2.4 black titanium · 6 reviews trex titanium headphones · $5.00 · titanium nitride coating In stockTitsanium Art · Titsanium Art · Titsanium titanium hair trimmer as seen on tv Art ridge titanium wallet · Titsanium Art
h208t2idtjo250 dog dildo,Clitoral Vibrators,horse dildo,wolf dildo,wolf dildo,dog dildos,masturbators,glass dildo,vibrators j050o6vqwkj394
TumugonBurahin