Miyerkules, Marso 12, 2014

Digmaang pilipino-Amerikano




Digmaang pilipino-Amerikano

                       Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (: Philippine-American War) ay isang digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ng amerika at ng pilipinas mula 1899 hanggang 1903.
Ang labanang ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino (Philippine Insurrection). Ang pangalang ito ay mas kadalasang ginagamit sa Estados Unidos, ngunit tinutukoy naman ng mga Pilipino at lumalaking bilang ng Amerikanong mananalaysay ang labanang ito bilang Digmaang Pilipino-Amerikano, at noong 1999, binago na ng U.S. Library of Congress ang lahat ng pagtukoy sa labanan na gamitin ang katawagang ito.

Ito ay hango sa http://tl.wikipedia.org

                     Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noongPebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]
Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]

Ito ay hango sa wikipedia.org

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento