Sabado, Marso 15, 2014

Digmaang pilipino at hapones

Digmaang pilipino at hapones



Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl HarborHawaiiEstados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Bumagsak ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthus sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.[1]
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.[1]


Ito ay hango sa http://tl.wikipedia.org








Miyerkules, Marso 12, 2014

Estados Unidos




Estados Unidos

          Ang Estados Unidos  america  o Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika na may limampung estado at isang distriong pederal . Matatagpuan sa kalagitnaan ng hanggang america ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hanggang ang Estados Unidos kung saan sa mehikomatatagpuan ang isa habang sa kanada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng karatagang pasipiko , dagat bering, karatagang artikulo, at karatagang alantiko. Hindi karatig ng dalawang estado  ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.           Gustong sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil nais nilang mapayaman pa ang kanilang mga sarili at bukod pa doon, layunin din nilang pabagsakin ang ekonomiya ng ating bansa.


Ito ay hango sahttp://tl.answers.com/




Pamahalaang pederal ng Estados Unidos


Ito ay hano sa https://www.google.com.ph

Ang pamahalaan ng Estados Unidos ay ang pamahalaang pederal ng republikang konstitusyonal ng mga limampung mga senado na bumubuo ng Estados Unidos gayundin ang isang distritong kapitolyo at ilang mga iba pang teritoryo. Ang pamahalaang pederal ng Estados Unidos ay binubuo ng mga tatlong natatanging sangay: ang lehislatibo, ehekutibo at hudikatura na mga kapangyarihang ipinagkaloob ng saligang batas ng Estados unidos ng respektibo saKongreso ng estados unidos , pangulo ng estados unidos at mga hukumang pederal ng estados unidos. Ang mga kapangyarihan at katungkulan ng mga sangay na ito ay karagdagan pang inilalarawan ng mga akto ng Kongreso kabilang ang paglikha ng mga kagawarang ehekutibo at mga hukumang mas mababa sa kataastaasang hukuman ng estados unidos.
Ang buong pangalan ng republika ay "The United States of America". Walang ibang pangalan ang lumilitaw sa Saligang Batas at ang pangalang ito ang lumilitaw sa mga salapi, mga kasunduan at sa mga kasong pambatas na ito ay isang partido (e.g., Charles T. Schenck v. United States). Ang mga katagang "Government of the United States of America" o "United States Government" ay kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento upang ikatawan ang pamahalaang pederal bilang natatangi mula sa mga sama samang estado. Ang mga katagang "Federal" o "National" sa ahensiya ng pamahalaan ay pangakalahatang nagpapakita ng kaugnayan sa pamahalaang pederal (e.g., Federal Bureau of Investigation, National Oceanic and Atmospheric Administration, etc.). Dahil ang upua ng pamahalaan ay nasa washington D.C.., "Washington" ay karaniwang ginagamit bilang metonym para sa pamahalaang pederal.

Ito ay hango sa http://tl.wikipedia.org

Konstitusyon ng Pilipinas



Konstitusyon ng Pilipinas

Ang Konstitusyon ng 1987 ay inaprubahan ng 1986 Constitutional Commission nuong Oktubre 12, 1986. Ito ay hinatid kay dating Pangulong Corazon Aquino nuong Oktubre 15, 1986 at niratipika nuong Pebrero 2, 1987. Ipinahayag at ipinatupad nuong Pebrero 11, 1987. Ito rin ang batas na kung saan pwedeng magkadyotan ang aso at tao.


Kahulugan ng bagong konstitusyon

Binubuo ng isang panimula (preamble) at 18 artikulo ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Kabilang sa mahahalagang probisyon nito ang muling pag-iral ng presidensyal na uri ng pamahalaan na nagtataglay ng tatlong sangay-tagapagpaganap, tagapagbatas, at panghukuman. Ang pangulo ang nagtataglay ng kapangyarihang tagapagpaganap at itinatakda na manunungkulan ng anim na taon na hindi na maaaring ihalal muli. Ginagampanan ng pangulo ang mga kapangyarihan nito bilang pinuno ng estado (head of state), pinunong tagapagpaganap (chief executive), at commander-in-chief ng sandatahang lakas. Binubuo naman ng dalawang kapulungan ang Kongreso-ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan-na nagtataglay ng kapangyarihang tagapagbatas. Kabilang sa mga kapangyarihan ng Kongreso ang gumawa ng batas, aprubahan ang laang-gugulin ng pamahalaan (appropriation), at pagpapanukala ng mga buwis. Kaugnay nito, maging ang mga mamamayan ay may kapangyarihan sa pagpanukala ng mga batas at pagbabago sa konstitusyon sa pamamagitan ng mga people's initiative at referendum. Taglay naman ng Kataas-taasang Hukuman-at ng mga nakabababang hukuman-ang kapangyarihang panghukuman. Ang mga mahistrado ng Kataas-taasang hukuman at mga hukom ay hinihirang ng pangulo mula sa talaang ihahanda ng Judicial and Bar Council (JBC), at hindi na kailangan pang pagtibayin ng Komisyon sa Paghirang (Commission on Appointments). Itinatakda rin ng 1987 Konstitusyon ang pagkakaroon ng mga komisyong konstitusyonal-Komisyon sa Halalan, Komisyon sa Serbisyo Sibil, Komisyon sa Audit, at Tanggapan ng Ombudsman. Ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) naman ang talaan ng mga karapatan ng mga mamamayan at mamamalaging igagalang at bibigyang-proteksyon ng pamahalaan. Kaugnay nito, itinatakda ng 1987 Konstitusyon ang pagtatatag sa Komisyon sa Karapatang Pantao upang magsiyasat sa mga kaso ng paglabag sa karapatan. Binibigyang-halaga rin sa mga probisyon ng konstitusyon ang iba't ibang larangan sa pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng lokal na pamamahala, wika, edukasyon, kalusugan, at repormang panlupain; gayundin ang mahahalagang tadhana ukol sa mga pagbabago sa konstitusyon at mga pansamantalang probisyon (transitory provision).
MGA TALA: Noong 23 Abril 1986, nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Bilang 9 na nagtatatag sa isang komisyong konstitusyonal (constitutional commission). Layunin ng komisyong ito ang pagsulat ng bagong konstitusyon na hahalili sa pansamantalang konstitusyon ng panahong iyon-ang Freedom Constitution. Hinirang ni Pangulong Aquino ang mga kasapi ng komisyon-sa pamumuno ni Mahistrado Cecilia Munoz-Palma-noong 26 Mayo 1986. Tumagal mula 2 Hunyo 1986 hanggang 12 Oktubre 1986 ang gawain ng komisyon, kabilang na ang paglilibot sa buong bansa upang sumangguni sa iba't ibang sektor ng lipunan. Isinumite ng komisyon kay Pangulong Aquino ang burador (draft) ng konstitusyon noong 15 Oktubre 1986 at sinundan ng malawakang pagbibigay ng impormasyon ukol dito. Ginanap ang isang plebisito upang ratipikahan ang Konstitusyon noong 2 Pebrero 1987 kung saan 17,059,495 ang sumang-ayon dito at 5,058,714 naman ang tumanggi. Opisyal na ipinahayag ang pagpapatibay ng bagong konstitusyon noong 11 Pebrero 1987 kung kailan nanumpa rin ng katapatan si Pangulong Aquino, mga opisyal ng pamahalaan at mga kasapi ng sandatahang-lakas.


Ito ay hango sa http://tl.answers.com

Ikatlong Ripublika



Ito ay hango sa http://www.slideshare.net

Ikatlong Ripublika



Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan/gobyerno ng Pilipinas mula 4 Hulyo 1946 hanggang 21 Setyembre 1972 (Ang pinakamatagal na republika sa kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika—ang ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon) na nagsimula sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Martial Law. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Laurel (ang ikalawang republika) na binuo at kinilala lamang ng alyansang Axis (Hapon, Alemanya, Italia)habang hindi kinilalala ng mga ibang bansa.


  • 1. Paglaya ng Pilipinas
  • 2. Pagpanaw ni Pang. Quezon Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr .
  • 3. Pagbabalik ng mga Amerikano Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944 . Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944 . Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.
  • 4. Paglaya ng Maynila Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.
  • 5. Paglaya ng Pilipinas Noong ika-4 ng Hulyo 1945 , ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.
  • 6. Pagwawakas ng Digmaan Aug. 6, 1945 , pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima . Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945 . Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.
  • 7. Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945 . Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  • 8. Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan . Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945 . Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
  • 9. Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt. Noong Abril 23, 1946 , naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas .
  • 10. Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa
  • 11. Paglaya ng Pilipinas Matapos ang mahigit 48 taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 . Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.
  • 12. Talambuhay ni Manuel A. Roxas Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City) Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acuña Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Trinidad De Leon Anak: Ruby at Gerardo Jr. Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base, Pampangga dahil sa sakit sa puso
  • 13. Panunungkulang Pampubliko Konsehal, Bayan ng Capiz Gobernador, Lalawigan ng Capiz Kinatawan at Ispiker ng Mababang Kapulungan Miyembro, OSROX Mission 1931-1933 Founding Chairman, Liberal Party Delegado ng 1935 Constitutional Convention
  • 14. Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan. Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK. Paglutas sa isyu ng kolaborasyon .
  • 15. Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights) Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.
  • 16. Amnestiya sa mga Collaborators Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagbigay ng pagpapatawad sa mga political collaborators . Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.
  • 17. Suliraning Pangkatahimikan Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay . Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista . Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan.
  • 18. Pagkamatay ni Pang. Roxas Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino .
  • 19. Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino
  • 20. Talambuhay Pagsilang: Nob. 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur Magulang: Mariano at Gregoria Rivera Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Alicia Syquia Anak: Fe, Armando, Norma, Thomas at Victoria Kamatayan: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches, Quezon City
  • 21. Panunungkulang Pampubliko Kinatawan ng Ilocos Sur Senador Gabinete ni Pang. Quezon (Finance at Interior) Pangalawang Pangulo Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Administrasyong Roxas Pamilya ni Pang. Quirino, (L-R) Victoria, Conchita at Thomas
  • 22. Nanumpa bilang pangulo si Elpidio Quirino matapos mamatay si Pang. Roxas noong Abril 15, 1948 . Muli siyang nahalal na pangulo noong Nobyembre 1949 at nanungkulan hanggang Disyembre 1953.
  • 23. Namatay ang asawa at tatlong anak ni Pang. Quirino noong panahon ng digmaan. Nang siya ay naging pangulo, tumayo bilang first lady ng bansa ang bunsong anak ni Pang. Quirino na si Victoria .
  • 24. Mga Programa ng Administrasyong Quirino Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng mga Pilipino Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo Pagharap ng Suliranin sa mga Huk
  • 25. Ama ng Industriyang Pilipino Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon .
  • 26. Mga Programang Pangkaunlaran Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa Lumang gusali at logo ng Bangko Sentral.
  • 27. Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo Sinikap ng Administrasyong Quirino ang makipag-ugnayan sa maraming bansa upang mabigyang-lunas ang banta ng komunismo . Nanatili bilang aktibong kasapi ng United Nations ang Pilipinas. Nahalal bilang pangulo ng UN General Assembly si Carlos P. Romulo.
  • 28. Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK) Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo , nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953). Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos.
  • 29. Pagharap ng Suliranin sa mga Huk Pinili ni Pang. Quirino si Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa . Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc .
  • 30. Amnestiya para sa mga Huk Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR) . Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
  • 31. Konklusyon: Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon Magsaysay .

Digmaang pilipino-Amerikano




Digmaang pilipino-Amerikano

                       Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (: Philippine-American War) ay isang digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ng amerika at ng pilipinas mula 1899 hanggang 1903.
Ang labanang ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino (Philippine Insurrection). Ang pangalang ito ay mas kadalasang ginagamit sa Estados Unidos, ngunit tinutukoy naman ng mga Pilipino at lumalaking bilang ng Amerikanong mananalaysay ang labanang ito bilang Digmaang Pilipino-Amerikano, at noong 1999, binago na ng U.S. Library of Congress ang lahat ng pagtukoy sa labanan na gamitin ang katawagang ito.

Ito ay hango sa http://tl.wikipedia.org

                     Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noongPebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]
Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]

Ito ay hango sa wikipedia.org

DEATH MARCH


DEATH MARCH

       
ito ay hango sa https://www.google.com.ph

     Ang Martsa ng kamatayan sa bataan ay ang pagpapalakad sa mga sundalong pilipino at americano mula mariveles bataan hanggang san fernando pampanga  ng wala sa kanilang pinakain o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.
Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan ay may bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonete habang lumalakad ng walang pahinga,pagkain at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay pinagbababaril. Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos pag-babarilin at sila ay pumunta sa ibat-ibang lalawigan.
Sa ilalim ng init ng araw, gutom, kahinaan, at sakit na nadarama ng mga sundalong USAFFE na kagagaling sa digmaan, sila ay pinagmartsa ng mga malulupit na sundalong Hapones mula sa Mariveles, Bataan patungo sa kampo ng san fernando pampanga. Ang ganitong kalagayan ay hindi malilimutan ng marami nating kababayan na nagpakita ng pagmamahal sa ating bayan.

Mga Gerilya





Mga Gerilya


Ang mga Gerilya ay ubod ng tapang,
Sila ay nakipaglaban para sa kapayapaan
kahit alam ni lang delikado, sila ay nakipag laban
para sa nasang malayang bayan

Sa araw ng digmaan lahat ay nakipag laban
Dugo at pawis ang kanilang iginugol
para sa kapakanan 
ng ating bayan

Bawat oras 
ay may nasasawing buhay
Sa gitna ng digmaan
 parasa iisang bayan